Dynamite (Relyenong Sili)

314175 509023362442909 1018014549 n Dynamite (Relyenong Sili)
Photo credit: dorcenkitchenette)

Marami ang nagtatanong ano daw ang tinatawag na dynamite… Ito ba raw iyong ginagamit ng mga mangingisda?

Sabi ko naman, oo pero hindi sa dagat ito pinapasabog; sa bunganga ito at sa tiyan sasabog! Hehehe…joke lang.

Sa sobrang anghang kasi eh, talagang sabog sa pakiramdam.  Lalo na kapag hindi tinanggal ang mga buto nito.  Opo, buto ng Sili na green o kung tawagin ay siling pamaksiw.

The best ito pang pulutan, pero mas masarap ito gawing ulam; lalo na kapag may kasamang mainit na kanin dahil tiyak uusok talaga hehehe.

Sangkap:

½ kilo Ground pork ( tuna, chicken or beef is an option )
1 pc reg. size carrot
1 pc. Onion
3 cloves garlic
1 teaspoon salt or patis
1 teaspoon brown sugar
Ground pepper
1 sachet (small) magic sarap
1 egg
Cheeze ( hiwain ng pahaba na maninipis)
½ kilo Siling Pamaksiw (mas maganda kapag malalaki at mahaba)
Lumpia wrapper
Mantika

———-
Optional lamang kung mga babae ang kakain
Paghaluin ang mayonnaise at ketchup para gawing sawsawan
———-
Paraan ng pagluluto:

Kapag bumibili ako sa palengke ng karne ipinapasama ko na sa paggiling ang mga sumusunod : sibuyas, carrots, bawang at sibuyas.

Idagdag ang asin o patis, paminta, magic sarap at ang itlog. Itabi lamang

Himayin ang SILI, hiwain sa gilid at tanggalin ang mga buto at budburan ng kunting asin at lamasin ng kunti at banlawan ng tubig.

Hiwain ang keso ng maninipis at mahaba.

Ipalaman sa loob ng Sili ang giniling at ilagay ang keso….o maari din na ilagay muna ang keso sa loob ng sili bago lagyan ng giniling.

Balutin sa lumpia wrapper.

Deep fry ang pagluluto sa katamtamang apoy lamang.
Tanggalin kapag mamula-mula na.  Madali lamang itong maluto ang karne dahil kunti lamang ang karne sa loob ng sili.

Maari itong gawing pulutan o ulam at ang partner ay mainit na kanin.  Sigurado umuusok sa sarap at ramdam na ramdam ang anghang ng Dynamite

 Dynamite (Relyenong Sili)

© 2012, Dhors. All rights reserved.


  • Erick

    tama po.. panalo po ito na pang pulutan at syempre d’ best din na ulam, nagawa na po kasi namin ito nung 2010.. patok sa takilya! thanks po sa nag post nito!