Ginataang Tulingan

ed93ea813ca164575f63e74efb1b88c8 Ginataang Tulingan
(dorcenkitchenette)

Ito ang pinaka paborito ko sa lahat na ulam.  Isa din itong best seller sa aking mini resto.  Isang mini resto na pang masa.

 Sangkap

 1kl Tulingan

1 sibuyas

2 kamatis

4 na butil ng bawang

1/2 kutsaritang paminta (cracked )

1/2 tasa ng luya (hiniwa ng stripped )

1 magic sarap

asin

sili pang sigang

sili labuyo

Petchay or talong (optional lamang )

Gata ng niyong ( isang buo ng niyog na piniga na)

3/4 tasa na Suka

 

Pamaraan

– hatiin ang hiniwang sibuyas, bawang, kamatis, luya.  Ilagay sa kaldero o kawali ang mga hinating mga

  rekado kasama ang paminta.

– isunod lagay ang isda (tulingan o di kaya ay tambakol o tilapia) mga pagpipiliang mga isda na gagataan

– ilagay ang suka kapag nailgay na ang isda sa ibabaw ng mga sangkap.

-Hayaang kumulo ng mga 5minutes

-ilagay ang mga natirang sangkap pagkatapos ng 5minutes na pakulo sa suka kasabay ng pangalawang    gata.

-hayaan itong kumulo ng mga 10minutes.

-after 10 minutes ilagay ang unang gata kasabay ang siling pamaksiw o pangsigang at ang siling labuyo.

halu-haluin ang gata para hindi kumulta o magbuo-buo. Kapag kumulo na at luto na ang unang gata saka  ihulog ang petchay at ilagay ang magic sarap. Timplahin at takpan ng mga 3minutes para maluto ang pechay. Kapag talong ang hinalo kailangan isabay ito sa pangalawang gata.

© 2012, Dhors. All rights reserved.